You are Visitor No.
Welcome
to the website of the USTHS Class of 82!
The
last time I checked, the counter said this site had over 30,000+ hits. If
I was told that years ago when I first put this up, I would not have believed
it. Now almost 4 years later, with numerous reunions and get-togethers
under my belt, I feel so enthused that this endeavor can be called a
success! For all the friends I have met along the way - thank you so
much!
Preparations
for the GAH 2007 are in full swing! If you belong to the class of '82,
sign in the Yahoo! e-group and be informed!
Now
for a walk down memory lane, read below (lifted from USTHS 74's website, with
apologies, I liked it so much that I couldn't resist...)
Balik
Eskuwela! Balik Ligaya!
Kung bakit ako nanahimik, pakinggan ang niloloob ng dibdib:
Mga Mahal Na Kamag-aral
Pasensiya na, kung sa pagsusulat ay nanahimik
Nagmumi-muni lang
Baka mga daliri ay sumabit...
Kaisipang mapaglayag
Baka kung ano ang maisiwalat
Kay Morato at Armida, patay kang bata ka
Pag minalas-malas, baka bumagsak pa sa Korte Suprema!
Pero kung ako ang tatanungin
Dito ay mas gugustuhin
Kesa sa opisina ni Torres o Murillo
Ako ay damputin!
Sa totoo lang,
ako ay pagod na
Kababasa Krisis Sa Mindanao,
baha, Payatas at iba pa...
Pababang halaga ng piso
Mga politikong trapo,
Bilbil ni Rosanna
Na pinaayos kay Dr. Bello.
Tanging ligaya ko,
Mabasa ang mga sulat niyo,
Makabalita man lamang
At balik-balikan
mga panahong di pa kayo kalbo...
Aliw na aliw ako sa mga kuwentuhan
Pagpapalitan ng mga kuro-kuro
Malaya ang puso
Walang personalan, magkakapatid naman tayo
At sanay, hayaang lumayag muli
Malilikot na kaisipan, aktibong mga daliri
Sariwain ating kahapon,
Away, gulo sa Abu Sayyaf na lang yaon.
Ngayon, kung gustong makabalita
Tungkol kay Father Pinon
Sa akin ay tumawag
May chicka ako tungkol d'on.
Balik ligaya, balik eskuwela
Tayo nang mangopya
Recipe ni Golaw, kuwento ni de Goma
Tanaw-tanawin
Kahapong masaya...
Walang bilbil, may buhok pa
Walang rayuma, varsity hero na
Crush ng bayan, lagi sa saklaan
Panay ang "cutting classes"
Dahil nagpupula't puti sa Dapitan.
O sige na, hanggang sa muli
Baka ama ko'y
ibalik na naman ako sa USTE.
Mga sulat niyo'y hihintayin
Huwag lang sa Bagumbayan
Ako ay bitayin!
- Ka Jeng GT, 07/2000.
updated
01.26.2006